Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
ROMA 8:38-39
Ang panalangin
Manalangin tayo nang sama-sama: Ama, kapag nagsisimula akong mag-alala, ipaalala mo sa akin na walang anuman sa mundo ang makapaghihiwalay sa akin sa pag-ibig mo, dahil hawak mo ako.
